Love…
Lahat naman tayo nasasaktan pag nagmamahal. Kaya dapat tanggap mo na may point sa buhay mo na kailangan mong masaktan para matuto.
Kelangan mo yun para sa susunod kung makikita mo na yung binigay ni God sa'yo. Handa ka na! Hindi man sa lahat ng bagay pero malay mo. Ba’t ka matatakot magmahal? Parang ang selfish mo kasi sa sarili mo at dun sa taong bibigyan mo ng pagkakataon. Kawawa naman siya naka tengga lang doon at hinihintay ka. Ang mahirap ay baka yung hinihintay niya ay hindi darating, hindi naman pala nagpapahintay.
Kaya dapat tayong mga babae hindi dapat natin linalahat yang mga manloloko
Sabihin na natin oo manloloko siya pero ikaw lang pala ang makakapag patino sakanya. Mahal ka niya eh
Sainyo naman mga lalake kung mahal niyo ang mga girlfriend niyo. Try your best na huwag silang saktan. Kasi hindi niyo alam kung gaano kasakit. Kaya nagkaka trauma yung mga babaeng nasasaktan
Pero alam niyo ba na “love is about taking risks”
Kasi paano mo malalaman kung mag c'click kayo kung hindi niyo susubukan
Move on na!
Kung hindi pa ata kita itutulak hindi ka pa matatauhan eh
“Hindi na siya sa'yo kaya huwag kang umasang babalik siya”
Masakit no? Malamang sino bang hindi masasaktan?
Doctor mo ako ngayon, reresetahan kita
Kung kaya mo umiyak ka nang one week. Oo isang linggo lang kung pwedeng mas maikli mas mabuti pero one week lang ang pinakamatagal ha
Paalala ko sayo kahit umiyak ka hindi mo kakalimutan kumain. Jusko! Hindi lang sakanya umiikot ang mundo mo no? Andami mong pwedeng intindihin. Dito papasok ang pangalawang gamot na ibibigay ko sayo magsimula ka dun sa pangalawang linggo. Una mong gawin eh maligo ka!
Pagkatapos non. Bigyan mo ng importansya yung mga bagay na nawalan ng halaga sayo. Libangin mo ang sarili mo
Mag usap kayo ng mga kaibigan mo. Maglinis ka nang bahay niyo. Alisin mo na nga din pala yung mga bagay na nakakapagpaalala sa ex mo! Hindi mo na yan kailangan.
Ang pangatlong gamot ay hayaan mo siya. Hindi mo dapat tinitignan ang mga status niya sa facebook, yung mga tweets niya, o kung ano pa man. Masasaktan ka lang ikaw din baka ulitin mo yung mga nauna mong gamot.
Para gumaling ka at maalis ang sakit sa puso mo. Gawin mo tong ni reseta ko sayo. Alam kong mahirap? Paano kung naka move on na siya edi nagmukha kang kawawa lalo na kung pipilitin mo pa siyang maging kayo nalang ulit. Hindi ba mas masakit kung pinagpipilitan mo nalang ying sarili mo.
Isa pa nagmumukha ka nalang tanga kaya Tama nal